Monday, August 22, 2016

Upuan
Itim na straktura animo rehas na bakal ng piitang pilit na tinatakasan
Alpobrang nakabalot, nagpapaalalang hinding hindi ka makakawala
Binubusog nito ang sikmura
Nililimang ang oras
Pilit na pinalalagpas ang pagkakataon
Nakaupo sa inaakala mong kaganapan ng buhay
Ang reyna ay nakaluklok ng may tanikala sa paa
Anong mapapala?

Sumisikat at lumulubog ang araw tulad ngayon, tulad ng kahapon, katulad noong isang araw
Ang dibdib ay umaangat at bumababa sa paghinga, tulad ngayon, tulad kahapon, katulad noong isang araw
Anong hindi magaganap?

May limitasyon ang paglabas ng buwan,
ngunit tulad ng alon ng dagat na paulit ulit na bumabalik sa pampang, masisinagan nya ang langit ng minsan pa
Maaring ito ngayon, bukas iba naman
Mamaya hindi na tulad ng ngayon, hindi na tulad ng kahapon, hindi na gaya noong isang araw

Humawak ka. Kapit pa.

---
**Apologies, I just have to. 

Tuesday, January 8, 2013

Ang Sabon

Sa loob ng labindalawang taon na pagiging misis, masasabi kong marami na akong natutunan ukol sa pagiging asawa.

Kagabi sa banyo,  kung saan nagagawa kong hubarin ang kahit ano mang titulo na meron ang pagkatao ko, habang nakaupo at nagpupumilit na mag-concentrate sa pagbabasa ng bagong download na e-book, patuloy na lumilingon ang gilid ng mata ko sa sulok ng lababo kung saan nya ipinatong ang bagong sabon.

At dahil doon, sa mumunting kulay pulang mabangong bagay, hindi magawang pumasok ng mga letra na patuloy lang dumadaan sa aking mga mata ngunit hindi makarating sa utak.

Binabatbat ng inis at pagka-irita ang pag iisip ko ng dahil lang sa isang sabon?

Oo. Nang dahil sa isang sabon.

Inihiwalay nya kasi ang sabong ginagamit nya mula sa sabonera dahil "sayang naman ang pagka-mild ng sabon mo kung mahahawahan ng mabangong sabon ko", katwiran nya. 

At ngayon, sa kagustuhan nyang magpakaheroic sa paglalayo ng sabon ko sa sabon nya na ipinatong nya sa isang gilid ng lalabo, ikinaiirita ko ang mga debris na pula na dumidikit at naninigas sa ibabaw ng lalabo.

Nakakainis sa mata ang mumunting pulang sabon. Nakakawalang ganang kaskasin palagi  ang lababo kahit alam kong simpleng trabaho lang iyon sa tuwing maliligo.

Bakit nga ba pula ang sabon? Lux, Cherry flavor.

Sa pagkakataon ding iyon, napagtanto ko na maari ko namang solusyonan ang bagay na ito kung nanaisin ko.

Una, maari kong ipalit sa habonera ng lababo ang puti kong sabon na siguradong hindi magiiwan ng kahit anong kakaibang kulay at ilagay ang pula nyang sabon sa partikular na habonera.

Pangalawa, patuloy na pagtyagaan na sa tuwing mag-babanyo ako ay makita ko ang mga pulang naninigas na marka sa lababo na parang hindi ito nag-eexist.

Pangatlo, kaskasin na lang ang habonera sa lababo sa tuwing maglilinis ng banyo.

Pangapat, bumili ng bagong habonera.

Ang pag-aasawa ay ukol sa malalaki at mumunting bagay na maari nyong pagtalunan o solusyonan alin man sa inyong gustong kahinatnan ng kasalukuyang sitwasyon.

Walang ibang maaring gumawa ng ikasasaya o ikagaganda ng inyong pagsasama kundi kayong dalawa.

At walang kahit ano pa mang pulang sabon ang pwedeng sumira sa inyong araw, manapa't ng inyong pagsasama.

Sabon lang yan, move on.

I. tenk. yu.

Wednesday, December 12, 2012

Salbehe's Giveaway: 2013 "_______" Witty Diary /Planner

Seryoso to. Minsan lang ako sumali ng mga kontes kontes na ganyan sa internet.

Espesyal ang pagsali ko sa pagkakataong ito. Una, hindi ko alam kung paano maipapadala nung may pakontes yung diary na hindi naman sya nawawaratan ng walet. Yun pa lang challenge na.

Pero gusto ko talagang manalo sa parapol ni Salbe.

Gusto kong magkaroon ng isang memorabilia mula sa taklesang babaeng talaga namang hinahangaan ko ng sobra.

Gusto ko ng isang bagay na alam kong minsang naging bahagi ng buhay nya.

Gusto ko ala-ala na minsan, nakilala ko ang babaeng ito. Na isang bahagi ng mga taon ng buhay ko ay nakatala sa isang bagay na nagmula sa kanya.

Hindi magiging madali ang pagsungit sa inaasam kong diary, pero walang imposible sa pakontest na ito...basta maniwala lang ako sa goodness.

hehe.

I lab yu Salbe.


Sunday, November 25, 2012

You Gov Siraj

One thing I love doing so much is answering surveys. I love knowing that my voice and opinion is being heard, that my views are important and powerful.

Pero mas masaya kapag may bayad diba? ahahahah!

You know guys, I won't refer anything bogus. Hindi ako nag pe-pay advertisement and hindi ako kumikita sa Google Adsense na yan.

Pero this one, I'll refer to you dahil kahit papaano nagamit ko sa leisure yung kinita ko dyan. It's like doing nothing. Answering surveys that's being sent through email. Maiinis ka pa nga kasi parang iilang survey lang sa isang buwan. Pero surely, hindi lilipas ang isang linggo, one to two times makakatanggap ka.

Each survey have a value points. And as you reach 5000 points, you get $50. Yes.

Naclaim ko yung $50 ko through Al Ansari Exchange.

One more, they have raffle draws like iPad, laptops, mga ganyan. hinihintay ko na lang na manalo ako. ahahaha!

So guys, if you have some free time at hindi naman makakahassle sa inyo, click the link and join.

I get 200 points if you complete 5 surveys. And so, you can ask your friends to join too to get the same.! Mas madali mong mare-reach ang 5000 points right?

Yun lang powhz. Tenks.

Link: https://mena.yougov.com/en/refer/iZyGCWJeAUKrI2kMWWKTSw/

Tuesday, November 6, 2012

Happy Birthday My Love

More Blessings. Good Health. Great Career. Pure Love.

Happy Birthday!

*pakabait ka na ha.


Wednesday, September 26, 2012

On leave

Bakasyon muna tayo. Tama na muna ang emo. Tigil muna ang kwento. Pagbalik ko, single uli ako.

Ang next segment ng Other Side...diet tips o tips sa pagpapaseksi at ganda, ganyan. Kailangan lumebel ako diba? ahahaha!

Sya.

Baka hindi ko na maituloy ang kwento, tamad much.

Tutal naipost ko na sa FB ang pektyurs, naintindihan nyo na siguro un doon.

Simple lang naman yun. Jumer kami. Najontis me. Bumuka ang cervix. Lumabas ang bebe.

Da end. hehe.

Pagbalik ko siguro, may mas maganda ganda na akong dalang kwento. Inspired na siguro kahit papaano.

Ho sya. See you when I see you. and wake me up when September ends.

Baboosh!